The Mega city of infinite possibility

It was only July last year when I embarked my journey in Metro Manila.

A lot of reasons why I choose to go here. Definitely one of them is to experience the difference. The difference in atmosphere, environment, community, leisure, sports, pop culture and etc.

I had a lot of things I had seen and go thru everyday while I was residing here in the big busy city of Metro Manila.

I’ll give you inside scoops of how I manage to survived in this Urban Jungle. Maybe give you somethings you must and must not do. Eat and be merry at the righ place. Do what you love in the place where things go unexpected

image

Kapit Pusa, Buslot sa Kweba

Lahat ng aking isisiwalat ay pawang katotohan lamang at walang bahid na anong kasinungalingan.

 

Ang mga pangyayari ay nangyari noong Abril 27-28 ng taong kasalukuyan.

Unang kaganapan ay ang KAPIT PUSA.

C360_2014-04-26-15-47-55-322Sa mga tinipak na batong ito nangyari ang mga bagay bagay. Kami ay nagsisiyahan sa aming munting tahanan sa ilog ng Tinipak, Daraitan. Sa kagustuhan kong makakuha ng signal ng telepono ko, ako ay umakyat sa batong ito. Walang kahirap hirap ang pagtaas dito.

Nang ako’y nasa itaas na, sinuri ko ang aking telepono kung meron ng signal. wala pa rin. ikot sa kabila, pihit pakanan, tutok sa taas-kaliwa, taas-kanan, diretso-taas. Animo nag lalayag ng watawat.

At nang mapansin na ako ng aming butihing tagapagbantay, si Manong Ed Daraitan (di po un ang kanyang tunay na apelyido), ay agad agad ako sinenyasan na ako’y bumaba. Kalakip nito ay sabihan ang mga kasama ko na ako’y pababain na sa ┬ámalalaking bato na to.

Sa kahit anong kagustuhan kong bumaba, di ko magawa. Sadyang sobrang tarik ng aking inakyat. May ilang minuto din ng napansin ng mga kasama ko at si Manong Ed na di ako makababa. Bida Bida sabi ng isa. Parang pusa sabi naman ng isa.

Tinulungan ako ni Manong Ed. Inalay niya ang kanyang balikat para aking tungtungan. Dahan dahan niya itong binaba hanggang nakayanan ko nang maabot ang sahig. At ang tuksuan ay bumuhos. ­čśÇ

 

Pangalawang ganapan.

Buslot sa kweba:

C360_2014-04-27-09-24-22-051

Sa unang pagkakataon, ako ay papasok ng kweba (spelunking, caving). Matarik ang pababa ng Kwebang Tungtong. Ang aking ilaw ay hiniram ni Manong Ed, at nanguna sa pagbaba ng kweba. Kaya naman pagsalpa ko sa ilalim, ako ay nabuslot, at natabig ko ang isa sa mga betirano sa aking harapan. Agad agad nag init ang ulo nito, habang ako ay humihingi ng pasensya.

Tinignan ko ang aking kaliwang paa kung meron bang sugat na namumo. Ngunit wala pa. Lumabas ang mga sugat pagkauwi namin galing sa Masaya at nakakakilig na Byaheng Daraitan. Wala akong babaguhin sa mga pangyayari. Dahil sa mga ito, naging makabuluhan at maaalala ko ito hanggang sa huli.